A ba ka da
Bakit ikaw pa?
Sayo pa ako magkaganito?
Ang sakit na naramdaman mula sa nakaraan
Pag alis mo na tila walang paalam
Di mawari ang dahilan
Bakit ngayon pa?
Hindi ko pa manlang nasasabi ng personal na mahal kita
A ba ka da
Ka, kalilimutan nalang ba ang lahat?
Ang pagmamahal na sayo ko unang nahanap
A ba ka da
Sa tuwing ika'y aking nakikita
Saya ko'y tila walang kapantay
Ngiti mong nakakamatay
Hanggang ngayon ikaw pa din ay aking hinihintay
A ba ka da
A! Siguro hindi tayo para sa isa't isa
Nag aaral palang tayo ng
A e i o u
Minahal na kita ng totoo
Kahit na ang totoo na ikaw at ako
Tila malabo ng maging tayo
A ba ka da
Da-dating ang araw na muli man tayong magkita
Hindi na ako aasa pa
Mahalin mo man ako'y sapat na
Ngunit alam kong ang mamahal na iyon ay hindi na kakayanin
pa
Sa unang apak natin sa eskwela
Ang pag aaral ng A Ba Ka Da
Pagmamahal naramdaman ko na
Sa A Ba Ka Da
Nagsimula ang lahat
Sa A Ba Ka Da
Pagtatanong ko sa sarili ko kung Bakit pa?
Nawala ka kung kailan ako'y handa na
A Ba Ka Da
Ba-baybayin ko man ang mundo
Makita lang kita ng sigurado
At ipapaalam ko sayo
Na ika'y minahal ko ng totoo
Sa ganda ng naging simula
Tila ang A Ba Ka Da
Ang naging saksi
Sa pag ibig ko sayo ma'y masakit
Pero ako'y di lubusang magsisisi
-
Free stock photos • Pexels
No comments:
Post a Comment