RHYTHM & WROTE #4: Rubik's Cube (tagalog)




Anim na kulay
Dalawang kamay
Isang tao na bumubuhay
Pagbuo ng may gabay

Hindi mo ako nakilala
Huli na nung tayo ay nagkasama
Naiilang pa at parang nahihiya pa isa't isa
Pero 'di ko maitanggi ang saya

Umabot na ako sa punto
Ikaw na ang naging mundo
Dito ako nag-aral para sa'yo
Ang tanga ko ano?

Unang hakbang ko dito sa paaralan
Ikaw na ang unang nasilayan
Ang tanging hiling ko lang
Makita at makasama ka lamang

Nakakapagsisi na,
Biglang naging tanga ako sa ibang tao
Hindi ko nasulit ang pagkakataon ko
Tignan at makasama ka
Ngayong paalis ka na

Ngayong may mahal ka ng iba
Sana maging masaya kayong dalawa
Dalawang taon na magpapamahal ko sayo
Hindi ko manlang nasabi ng personal ito

Ang kabanata natin sa nakaraan ay tila para bang naulanan
Dahil lahat sila ay akin ng naiyakan
Sa mga kwento natin
At ayaw ko na,
Ayaw ko ng matulog sa mga unang basa
At malunod sa alaala na mahal kita
Mahal kita

Pagmamahal ko sayo
Na parang parisukat na binubuo
Kung tayo man para sa isa't isa
Tadhana na gagawa ng paraan,
 para magtagpo muli tayong dalawa

-
Free stock photos • Pexels

No comments:

Post a Comment

FOR MORE STORY SHOTS, FOLLOW ME ON INSTAGRAM!

@blessiechennpb