RHYTHM & WROTE #5: Wala Na (tagalog)




Masyadong nakakabigla
Ang pangyayari at pag-ibig na nawala
Hindi ko kinaya
At simula noon, hindi na ko naging masaya

Mga saya na napalitan ng lungkot
Sakit ang bumalot
Luha ay nanginginig na parang takot
Sa puso at pagmamahal na naudlot

Taong 2014, Marso Dalawampu't-siyam
Siya ay namaalam
At lahat ay nasira ng tuluyan
Aking katawan ay bumagsak ng biglaan

Paano nakaya?
Ako'y natiis nalang ng basta
Mga tubig sa mata ay nanlanggas na
Namatay na pati aking kaluluwa

Kay hirap magsimba
Puso ko'y nadudurog tuwing nakakakita ng masayang pamilya
Ngayong wala na,
Hindi ko alam kung paano magsisimula pa

Kahit ilang lalaki pa ang mang-iwan
Ilang tao pa ang ako'y sadyang saktan
Hindi na ako tinatalaban
Dahil ang sakit ay naipon na tuluyan

MAhal kita kahit ika'y nagbago na
PAalam sa lahat ng alaala
Pero masaya ko sa ating pamilya
Pamilya na ngayo'y, Wala na

-
Free Stock Photos • Pexels

No comments:

Post a Comment

FOR MORE STORY SHOTS, FOLLOW ME ON INSTAGRAM!

@blessiechennpb